1 Mga Cronica 12

Mula sa lahi ni Zebulun: limampung libong mahuhusay na sundalo na armado ng ibaʼt ibang armas. Handang-handa silang tumulong at mamatay para kay David.

1 Chronicles 12:33 (UKJV) Of Zebulun, such as went forth to battle, expert in war, with all instruments of war, fifty thousand, which could keep rank: they were not of double heart.

31Mula sa kalahating lahi ni Manases: 18,000 lalaki. Ipinadala sila upang tumulong sa pagluklok kay David na maging hari.

32Mula sa lahi ni Isacar: dalawandaang pinuno kasama ang mga kamag-anak na pinamamahalaan nila. Sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin ng Israel at kung kailan ito gagawin.

33Mula sa lahi ni Zebulun: limampung libong mahuhusay na sundalo na armado ng ibaʼt ibang armas. Handang-handa silang tumulong at mamatay para kay David.

34Mula sa lahi ni Neftali: isang libong opisyal at tatlumpuʼt pitong libong lalaking may dalang mga pananggalang at sibat.

35Mula sa lahi ni Dan: 28,600 na lalaking handang makipagdigma.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.