8Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ang piniling hari sa buong Israel, tinipon nila ang lahat ng sundalo nila upang hulihin siya. Ngunit nabalitaan iyon ni David, at sinalubong niya sila.
9Nang lusubin ng mga Filisteo ang Lambak ng Refaim,
10nagtanong si David sa Diyos, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Matatalo po ba namin sila?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, lumakad kayo, dahil matatalo ninyo sila.”
11Kaya pumunta si David at ang mga tauhan niya sa Baal-perazim, at tinalo nila roon ang mga Filisteo. Sinabi ni David, “Nilipol ng Diyos ang mga kalaban ko na parang dinaanan ng rumaragasang baha, at ginamit niya ako upang lipulin sila.” Kaya tinawag na Baal-perazim ang lugar na iyon.
12Naiwan ng mga Filisteo ang mga diyos-diyosan nila roon, at nag-utos si David na sunugin ang mga ito.