14Kaya muling nagtanong si David sa Diyos, at sumagot ang Diyos sa kanya, “Huwag nʼyo agad silang salakayin, palibutan nʼyo muna, at saka nʼyo sila salakayin malapit sa puno ng balsam.
15Kapag narinig nʼyo na parang may nagmamartsang mga sundalo sa itaas ng puno ng balsam, sumalakay kayo agad dahil iyon ang palatandaan na pinangungunahan ko kayo sa pagsalakay sa mga Filisteo.”
16Kaya sinunod ni David ang iniutos sa kanya ng Diyos, at pinatay nila ang mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.
17Kaya naging tanyag si David kahit saan, at ginawa ng Panginoon na katakutan siya ng lahat ng bansa.