11Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.
12Alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang mga paghatol.
13Kayong mga pinili ng Diyos na mga lahi ni Jacob, kayong lingkod ng Diyos na mga lahi ni Israel.
14Siya ang Panginoon na ating Diyos, at siya ang namamahala sa buong mundo.
15Hindi niya kinakalimutan ang kanyang kasunduan at pangako sa libu-libong henerasyon.