1 Mga Cronica 19

Makalipas ang ilang panahon, namatay si Nahas na hari ng mga Amonita. At ang anak niyang si Hanun ang pumalit sa kanya bilang hari.

1 Chronicles 19:1 (UKJV) Now it came to pass after this, that Nahash the king of the children of Ammon died, and his son reigned in his position.

1Makalipas ang ilang panahon, namatay si Nahas na hari ng mga Amonita. At ang anak niyang si Hanun ang pumalit sa kanya bilang hari.

2Sinabi ni David, “Magiging mabuti ako kay Hanun dahil naging mabuti ang kanyang ama sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga opisyal para ipakita ang pakikiramay niya kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Ngunit pagdating ng mga opisyal ni David sa lupain ng mga Amonita,

3sinabi ng mga opisyal ng mga Amonita kay Haring Hanun, “Tingin nʼyo baʼy pinaparangalan ni David ang inyong ama sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan upang makiramay sa kalungkutan ninyo? Hindi! Ipinadala niya ang mga taong iyan para magmanman sa lupain natin at wasakin ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.