13Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, ang ikalawa namaʼy si Abinadab, at ang ikatlo ay si Simea,
14ang ikaapat ay si Netanel, ang ikalima ay si Radai,
15ang ikaanim ay si Ozem, at ang ikapito ay si David.
16Ang mga kapatid nilang babae ay sina Zeruias at Abigail. Si Zeruias ay may tatlong anak na lalaki na sina Abisai, Joab at Asahel.
17Ang asawa ni Abigail ay si Jeter na Ismaelita at may anak silang lalaki na si Amasa.