8Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Zetam at si Joel.
9Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan. Si Simei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Zelomit, Haziel at Haran.
10Nagkaroon pa ng apat na anak na lalaki si Simei: sina Jahat, Zina, Jeus at Beria.
11Ang pinakapinuno ng kanilang pamilya ay si Jahat, ang pangalawa ay si Zisa, at sumunod sina Jeus at Beria. Kakaunti lang ang anak na lalaki nina Jeus at Beria kaya binilang silang isang pamilya lang.
12Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.