1 Mga Cronica 28

Tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng bahay upang paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Diyos, upang magkaroon ng tuntungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito.

1 Chronicles 28:2 (UKJV) Then David the king stood up upon his feet, and said, Hear me, my brethren, and my people: As for me, I had in mine heart to build an house of rest for the ark of the covenant of the LORD, and for the footstool of our God, and had made ready for the building:

1Ipinatawag ni Haring David sa Jerusalem ang lahat ng opisyal ng Israel: Ang mga opisyal ng mga lahi, ang mga kumander ng bawat grupo ng mga sundalo na naglilingkod sa hari, ang iba pang mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, ang mga opisyal na namamahala sa lahat ng ari-arian at mga hayop ng hari at ng kanyang mga anak, ang mga opisyal ng palasyo, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng mahuhusay na sundalo.

2Tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng bahay upang paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Diyos, upang magkaroon ng tuntungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito.

3Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay para parangalan ang aking pangalan dahil isa kang sundalo at marami kang napatay.’

4“Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.