33pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat. Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.
34Ang iba pang lahi ni Simeon ay sina Mesobab, Jamlec, Josa na anak ni Amazia
35Joel, Jehu na anak ni Josibias at apo ni Seraias, na apo sa tuhod ni Asiel,
36Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias
37at Ziza na anak ni Sifi at apo ni Alon, at apo sa tuhod ni Jedaias. Si Jedaias ay anak ni Simri at apo ni Semaias.