1 Mga Cronica 6

Ito ang mga taong itinalaga ni David upang mamahala sa musika sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan.

1 Chronicles 6:31 (UKJV) And these are they whom David set over the service of song in the house of the LORD, after that the ark had rest.

29Sa mga angkan ni Merari ay sina Mahli, Libni, Simei, Uza,

30Simea, Hagia at Asaias.

31Ito ang mga taong itinalaga ni David upang mamahala sa musika sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan.

32Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahong naipatayo ni Solomon ang Templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila.

33Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak: Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elcana.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.