1 Mga Cronica 6

Si Semer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Musi. Si Musi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)

1 Chronicles 6:47 (UKJV) The son of Mahli, the son of Mushi, the son of Merari, the son of Levi.

45Si Maluc ay anak ni Hashabias. Si Hashabias ay anak ni Amazias. Si Amazias ay anak ni Hilkias.

46Si Hilkias ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Semer.

47Si Semer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Musi. Si Musi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)

48Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Tabernakulo, ang bahay ng Diyos.

49Ngunit si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.