12Ang mga lalaking anak ni Ir ay sina Supim at si Hupim, at ang anak ni Aher ay si Husim.
13Ang mga lalaking anak ni Neftali kay Bilha ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Salum.
14May anak si Manases sa asawang alipin niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Maquir. Si Maquir ang ama ni Gilead,
15at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Supim. May kapatid na babae si Maquir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Maquir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae.
16May mga anak ding lalaki si Maquir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peres at Seres. Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Ulam at Requem.