16May mga anak ding lalaki si Maquir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peres at Seres. Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Ulam at Requem.
17Ang lalaking anak ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir, at apo ni Manases.
18Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mahla.
19Ang mga lalaking anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
20Ito ang lahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Elada, si Elada na ama ni Tahat,