6May tatlong anak na lalaki si Benjamin na sina Bela, Bequer at Jediael.
7Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
8Ang mga lalaking anak ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Bequer.
9Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi.
10Ang lalaking anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga lalaking anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Ehud, Quenaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.