28Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.
29Si Jeiel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.
30Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Sur, Kish, Baal, Ner, Nadab,
31Gedor, Ahio, Zequer,
32at Miclot na ama ni Simea. Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.