33Si Ner ang ama ni Kish. Si Kish ang ama ni Saul. Si Saul ang ama ni Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
34Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama ni Mica.
35Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
36Si Ahaz ang ama ni Joada. Si Joada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza.
37Si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa. Si Rafa ang ama ni Elasa. Si Elasa ang ama ni Azel.