1Nailista ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga lahi sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. Ang mga mamamayan ng Juda ay binihag sa Babilonia dahil hindi sila naging tapat sa Panginoon.
2Ang unang nakabalik sa kanilang mga bayan sa sariling lupain ay ang mga karaniwang Israelita, mga pari, mga Levita, at mga tagapaglingkod sa Templo.
3Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na nakabalik at tumira sa Jerusalem: