13Ang mga paring nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa bahay ng Diyos.
14Sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias na mula sa angkan ni Merari),
15si Bacbacar, si Heres, si Galal, si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zicri; si Zicri ay anak ni Asaf).
16Si Obadias na anak ni Semaias (si Semaias ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elcana, na tumira sa baryo ng mga Netofatita.
17Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay sina Salum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak. Si Salum ang kanilang pinuno.