34Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.
35Si Jeiel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.
36Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Sur, Kish, Baal, Ner, Nadab,
37Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot
38na ama ni Simeam. Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem.