9Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo na ating Panginoon.
10Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Sa halip, magkaisa kayo sa isip at layunin.
11Sinasabi ko ito mga kapatid, dahil may nagbalita sa akin mula sa tahanan ni Cloe na may mga alitan sa inyo.
12Ito ang ibig kong sabihin: Ang iba daw sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako”; ang iba namaʼy “Kay Apolos ako.” May iba ring nagsasabi, “Kay Pedro ako”; at ang iba naman ay “Kay Kristo ako.”
13Bakit, nahahati ba si Kristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?