1 Mga Taga-Corinto 1

(Binautismuhan ko rin pala si Estefanas at ang kanyang pamilya. Maliban sa kanila, wala na akong natatandaang binautismuhan ko.)

1 Corinthians 1:16 (UKJV) And I baptized also the household of Stephanas: besides, I know not whether I baptized any other.

14Salamat sa Diyos at wala akong binautismuhan sa inyo maliban kina Crispo at Gayo.

15Kaya walang makapagsasabing binautismuhan kayo sa pangalan ko.

16(Binautismuhan ko rin pala si Estefanas at ang kanyang pamilya. Maliban sa kanila, wala na akong natatandaang binautismuhan ko.)

17Sapagkat hindi ako isinugo ni Kristo para magbautismo, kundi para mangaral ng Magandang Balita. At hindi ko ito ginagawa sa pamamagitan ng mahusay na pananalita at karunungan ng tao, upang hindi mawalan ng kapangyarihan ang pagkamatay ni Kristo sa krus.

18Ang mensahe ng pagkamatay ni Kristo sa krus ay kamangmangan para sa mga napapahamak, ngunit sa ating mga naliligtas, itoʼy kapangyarihan ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.