1 Mga Taga-Corinto 10

Kung inaakala ninyong matatag ang inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan!

1 Corinthians 10:12 (UKJV) Wherefore let him that thinks he stands take heed lest he fall.

10Huwag din kayong mareklamo tulad ng ilan sa kanila, kaya pinatay sila ng Anghel ng kamatayan.

11Ang mga bagay na itoʼy nangyari bilang halimbawa sa atin, at isinulat para magsilbing babala sa ating mga nabubuhay sa panahong nalalapit na ang katapusan ng lahat.

12Kung inaakala ninyong matatag ang inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan!

13Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.

14Kaya mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.