5Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensahe ng Diyos na walang takip ang ulo ay nagdadala ng kahihiyan sa kanyang ulo na walang iba kundi ang lalaki, at para na rin siyang nagpakalbo.
6Kung ayaw magtakip ng ulo ang isang babae, magpaputol na lang siya ng buhok. Ngunit kahiya-hiya naman sa babae ang magpaputol ng buhok o magpakalbo, kaya dapat siyang magtakip ng ulo.
7Hindi dapat magtakip ng ulo ang lalaki kapag sumasamba dahil siyaʼy larawan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit ang babae ang karangalan ng lalaki.
8Sapagkat hindi naman nilikha ang lalaki mula sa babae, kundi ang babae ang nagmula sa lalaki.
9At hindi naman nilikha ang lalaki para sa babae, kundi ang babae para sa lalaki.