1Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao o ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumataginting.
2Kung may kakayahan man akong magpropesiya at umunawa sa lahat ng hiwaga at lahat ng kaalaman, at kung mayroon man akong pananampalatayang kayang maglipat ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.
3At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
4Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas,
5hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,