6hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan,
7laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
8May katapusan ang propesiya at ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika ay matitigil, at ang kaalaman ay mawawalan ng kabuluhan, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan.
9Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Diyos.
10Ngunit darating ang panahong magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.