1 Mga Taga-Corinto 14

Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espirituwal, lalo na ang magpropesiya.

1 Corinthians 14:1 (UKJV) Follow after love, and desire spiritual gifts, but rather that all of you may prophesy.

1Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espirituwal, lalo na ang magpropesiya.

2Sapagkat ang taong nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Diyos, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu.

3Ngunit ang taong nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao para silaʼy patibayin, palakasin ng loob at aliwin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.