30At bakit pa namin inilalagay sa panganib ang aming mga sarili sa bawat sandali?
31Araw-araw akong nasa bingit ng kamatayan, mga kapatid! At kung paanong totoo na ipinagmamalaki ko kayo sa ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus na ating Panginoon, totoo rin ang sinasabi kong ito.
32Anoʼng halaga ng pakikipaglaban ko sa mga taong tulad ng mababangis na hayop dito sa Efeso kung wala naman palang muling pagkabuhay? Kung totoong hindi muling bubuhayin ang mga patay, “Kumain tayoʼt uminom, dahil baka bukas, mamamatay na tayo.”
33Huwag kayong palilinlang, sapagkat “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.”
34Magpakatino kayo at itigil na ang paggawa ng kasalanan. Sinasabi ko ito para mahiya kayo sa inyong sarili, dahil may ilan sa inyo na mali ang pagkakakilala sa Diyos.