9dahil nabigyan ako ng magandang pagkakataon upang maisulong ang gawain dito, kahit na maraming sumasalungat.
10Kung dumating diyan si Timoteo, asikasuhin ninyo siyang mabuti para mapanatag ang kanyang kalooban, dahil katulad ko rin siyang naglilingkod sa Panginoon.
11Huwag ninyo siyang hamakin. At sa kanyang pag-alis, ihatid ninyo siya ng mapayapa upang makabalik siya sa akin. Inaasahan ko ang kanyang pagdating kasama ang iba pang kapatiran.
12Tungkol naman sa kapatid nating si Apolos, pinakiusapan ko siyang dumalaw diyan kasama ang ilang mga kapatid, ngunit hindi pa raw sila makakapunta riyan. Dadalaw na lamang daw siya kung mayroon siyang pagkakataon.
13Maging listo kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Magpakatapang kayo at magpakatibay.