11dahil wala nang pundasyong maaari pang ilagay maliban sa nailagay na, at itoʼy walang iba kundi si Hesu-Kristo.
12Kung may magtatayo sa pundasyong ito gamit ang ginto, pilak, mamahaling bato, kahoy, tuyong damo o dayami,
13makikita kung anong klase ng trabaho ang ginawa niya sa pamamagitan ng apoy sa Araw ng Paghuhukom. Ang apoy ang magpapakita kung ano ang kalidad ng gawa ng bawat isa.
14Kapag ang itinayo ay hindi nasunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo.
15Ngunit kapag ito namaʼy nasunog, wala siyang tatanggaping gantimpala. Ganoon pa man, maliligtas siya, ngunit katulad lamang ng isang taong nakaligtas sa apoy.