1 Mga Taga-Corinto 3

Bakit, sino nga ba si Apolos? At sino ba naman si Pablo? Kami ay mga lingkod lamang ng Diyos na ginamit niya upang sumampalataya kayo. At ang bawat isa sa amin ay gumagawa lamang ng gawaing ibinigay sa amin ng Panginoon.

1 Corinthians 3:5 (UKJV) Who then is Paul, and who is Apollos, but ministers by whom all of you believed, even as the Lord gave to every man?

3dahil makamundo pa rin kayo. Nag-iinggitan at nag-aaway-away kayo. Hindi baʼt patunay ito na makamundo pa rin kayo at namumuhay ayon sa laman?

4Kapag sinasabi ng isa, “Kay Pablo ako,” at ang sinasabi naman ng isa, “Kay Apolos ako,” hindi baʼt para kayong mga taong makamundo?

5Bakit, sino nga ba si Apolos? At sino ba naman si Pablo? Kami ay mga lingkod lamang ng Diyos na ginamit niya upang sumampalataya kayo. At ang bawat isa sa amin ay gumagawa lamang ng gawaing ibinigay sa amin ng Panginoon.

6Ako ang nagtanim, at si Apolos ang nagdilig. Ngunit ang Diyos ang siyang nagpalago.

7Hindi ang nagtanim at ang nagdilig ang mahalaga, kundi ang Diyos na siyang nagpapalago nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.