1 Mga Taga-Corinto 5

Kahit na wala ako diyan nang personal, nariyan naman ako sa espiritu. At sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, hinatulan ko na ang taong iyon. Kaya sa pagtitipon ninyo, isipin ninyo na parang nariyan na rin ako sa espiritu. At sa kapangyarihang ibinigay sa atin ng ating Panginoong Hesu-Kristo,

1May nagbalita sa akin na mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng seksuwal na imoralidad. Kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Masahol pa ito sa ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos, dahil maging sila ay hindi gumagawa nito.

2Nagagawa pa ninyong magmayabang, sa halip na magluksa at paalisin sa inyong pagtitipon ang taong gumagawa ng ganyan!

3Kahit na wala ako diyan nang personal, nariyan naman ako sa espiritu. At sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, hinatulan ko na ang taong iyon. Kaya sa pagtitipon ninyo, isipin ninyo na parang nariyan na rin ako sa espiritu. At sa kapangyarihang ibinigay sa atin ng ating Panginoong Hesu-Kristo,

5ipaubaya ninyo kay Satanas ang taong iyon upang mapahamak ang kanyang katawan ngunit maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.