1 Mga Taga-Corinto 7

Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Diyos.

1 Corinthians 7:24 (UKJV) Brethren, let every man, wherein he is called, therein abide with God.

22Sapagkat ang alipin nang tawagin siya ng Panginoon ay malaya na sa harapan ng Panginoon. Ang tao namang malaya nang tawagin siya ay alipin na ngayon ni Kristo.

23Tinubos kayo ng Diyos sa malaking halaga, kaya huwag kayong basta magpaalipin sa tao.

24Kaya nga mga kapatid, mamuhay ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang kalagayan nang tawagin siya ng Diyos.

25Ngayon, tungkol naman sa mga babaeng walang asawa, wala akong utos mula sa Panginoon, ngunit bilang isang mapagkakatiwalaan dahil sa awa ng Diyos, ito ang aking masasabi:

26Dahil sa kahirapan ngayon, mas mabuti kung magpatuloy na lamang kayo sa inyong kalagayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.