1 Mga Taga-Corinto 7

ang mga umiiyak naman na parang hindi umiiyak, ang mga nagagalak na parang hindi nagagalak, at ang mga bumibili na parang hindi bumibili para sa sarili,

1 Corinthians 7:30 (UKJV) And they that weep, as though they wept not; and they that rejoice, as though they rejoiced not; and they that buy, as though they possessed not;

28Ngunit kung mag-asawa ka man, hindi ka magkakasala. At kung mag-asawa ang isang dalaga, hindi rin siya magkakasala. Kaya ko lamang sinasabi sa mga wala pang asawa na manatili na lamang na ganoon ay dahil gusto kong maiwasan nila ang mga hirap ng buhay may asawa.

29Ang ibig kong sabihin mga kapatid, maikli na lang ang natitirang panahon. Kaya ang mga may asawa ay dapat nang mamuhay na parang walang asawa,

30ang mga umiiyak naman na parang hindi umiiyak, ang mga nagagalak na parang hindi nagagalak, at ang mga bumibili na parang hindi bumibili para sa sarili,

31at ang mga gumagamit ng mga bagay dito sa mundo ay hindi dapat mawili sa mga bagay na ito, dahil ang mga bagay sa mundong ito ay lilipas.

32Gusto ko sanang wala kayong inaalala. Kapag ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang kanyang paglilingkod sa Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.