1Ngayon, tungkol naman sa tanong ninyo hinggil sa mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan: Alam nating “may kaalaman tayong lahat” tungkol dito. Ngunit kung ang kaalamang ito ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, ang pag-ibig naman ang nagpapatatag sa iglesya.
2Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman.
3Ngunit ang taong nagmamahal sa Diyos ay siyang kinikilala ng Diyos na kanya.
4Kaya kung tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan, alam natin na ang mga diyos-diyosang itoʼy hindi totoong diyos, dahil iisa lamang ang Diyos.