18Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
19Sa ganitong paraan natin matitiyak na tayo nga ay nasa katotohanan at magiging panatag din ang ating kalooban sa harapan ng Diyos
20kahit inuusig man tayo ng ating konsensiya. Sapagkat ang Diyos ay mas higit kaysa sa ating konsensiya at nalalaman niya ang lahat ng bagay.
21Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating konsensiya, panatag tayong makakalapit sa Diyos.
22At matatanggap natin ang anumang hilingin natin sa kanya, dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.