1 Juan 4

Ngunit kung hindi nila kinikilala na si Hesus ay nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ang nagsugo sa kanila kundi ang espiritu ng anti-Kristo na narinig ninyong darating, at naririto na nga ito sa mundo.

1 John 4:3 (UKJV) And every spirit that confesses not that Jesus Christ has come in the flesh is not of God: and this is that spirit of antichrist, whereof all of you have heard that it should come; and even now already is it in the world.

1Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.

2Sa ganitong paraan ninyo malalaman kung nasa kanila ang Espiritu ng Diyos: Kapag kinikilala nilang si Hesu-Kristoʼy nagkatawang-tao, sila ay mula sa Diyos.

3Ngunit kung hindi nila kinikilala na si Hesus ay nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ang nagsugo sa kanila kundi ang espiritu ng anti-Kristo na narinig ninyong darating, at naririto na nga ito sa mundo.

4Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.

5Silaʼy makamundo, kaya makamundong bagay din ang kanilang sinasabi, at pinakikinggan naman sila ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.