1 Juan 5

Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,

1 John 5:3 (UKJV) For this is the love of God, that we keep his commandments: and his commandments are not grievous.

1Ang sinumang sumasampalataya na si Hesus ang Kristo ay anak ng Diyos, at ang sinumang umiibig sa Ama ay umiibig din sa kanyang mga anak.

2Sa ganitong paraan natin malalaman na iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kung minamahal natin ang Diyos at sinusunod natin ang kanyang mga utos.

3Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay sumusunod sa kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,

4dahil napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pananampalataya.

5At sino nga ba ang nagtatagumpay laban sa mundo? Walang iba kundi ang sumasampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.