1 Mga Hari 1

Kaya nagpunta si Batsheba sa kuwarto ng hari. Matanda na talaga ang hari at si Abisag na taga-Shunem ang nag-aalaga sa kanya.

1 Kings 1:15 (UKJV) And Bathsheba went in unto the king into the chamber: and the king was very old; and Abishag the Shunammite ministered unto the king.

13Puntahan mo si Haring David at sabihin mo sa kanya, ‘Mahal na Hari, hindi po baʼt nangako kayo sa akin na ang anak nating anak na si Solomon ang papalit sa inyo bilang hari? Bakit si Adonias po ang naging hari?’

14At habang nakikipag-usap ka sa hari, papasok ako at patutunayan ko ang iyong sinasabi.”

15Kaya nagpunta si Batsheba sa kuwarto ng hari. Matanda na talaga ang hari at si Abisag na taga-Shunem ang nag-aalaga sa kanya.

16Yumukod si Batsheba at lumuhod sa harapan ng hari. Tinanong siya ng hari, “Ano ang kailangan mo?”

17Sumagot si Batsheba, “Mahal na Hari, nangako po kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon na inyong Diyos, na ang anak nating si Solomon ang papalit sa inyo bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.