1 Mga Hari 1

Pumunta sa silid ng hari ang kanyang lingkod at sinabi na dumating si Natan at nais siyang makausap, kaya ipinatawag siya ng hari. Pagpasok ni Natan nagpatirapa siya sa harapan ng hari,

1 Kings 1:23 (UKJV) And they told the king, saying, Behold Nathan the prophet. And when he was come in before the king, he bowed himself before the king with his face to the ground.

21Kung hindi kayo magpapasya, mahal na hari, ako at ang anak nating si Solomon ay ituturing na kriminal kapag wala ka na.”

22Habang nakikipag-usap si Batsheba sa hari, dumating ang propetang si Natan.

23Pumunta sa silid ng hari ang kanyang lingkod at sinabi na dumating si Natan at nais siyang makausap, kaya ipinatawag siya ng hari. Pagpasok ni Natan nagpatirapa siya sa harapan ng hari,

24at sinabi, “Mahal na Hari, sinabi po ba ninyong si Adonias ang siyang papalit sa inyo bilang hari?

25Ngayong araw na ito, naghandog siya ng maraming toro, pinatabang guya at mga tupa. At inimbita niya ang halos lahat ng inyong anak na lalaki, ang kumander ng iyong mga sundalo at ang paring si Abiatar. Ngayoʼy kumakain at nag-iinuman sila at nagsasabi, ‘Mabuhay si Haring Adonias!’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.