27Ito po ba ang pasya ninyo, Mahal na Hari, na hindi nʼyo na ipinaalam sa amin kung sino ang papalit sa inyo bilang hari?”
28Sinabi ni Haring David, “Sabihan mo si Batsheba na pumunta rito.” Kaya pumunta si Batsheba sa hari.
29Pagkatapos, sumumpa si Haring David, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon, na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan,
30na tutuparin ko ngayon ang pangako ko sa iyo sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na si Solomon na ating anak ang siyang papalit sa akin bilang hari.”
31Nagpatirapa agad si Batsheba, at sinabi, “Mabuhay kayo magpakailanman, Mahal na Haring David!”