1Matandang-matanda na si Haring David at kahit kumutan pa siya ng makapal ay giniginaw pa rin siya.
2Kaya sinabi ng kanyang mga lingkod, “Mahal na Hari, payagan nʼyo po kaming maghanap ng isang dalagita na mag-aalaga sa inyo. Tatabihan po niya kayo para hindi kayo ginawin.”
3Kaya naghanap sila ng magandang dalagita sa buong Israel, at nakita nila si Abisag na taga-Shunem, at dinala nila siya sa hari.
4Talagang maganda si Abisag at naging tagapag-alaga siya ng hari. Pero hindi sumiping ang hari sa kanya.
5Ngayon, si Adonias na anak ni David kay Haguit ay nagmamayabang na siya ang susunod na magiging hari. Kaya naghanda siya ng mga karwahe at mga kabayo at limampung sundalo na mauuna sa kanya.