46At ngayon, si Solomon na ang nakaupo sa trono bilang hari.
47Pumunta rin kay Haring David ang mga pinuno niya para parangalan siya. Sinabi nila, ‘Gawin sana ng Diyos na mas tanyag si Solomon kaysa sa inyo, at gawin sana niyang mas matagumpay pa ang paghahari niya kaysa sa inyo.’ Yumukod agad si David sa kanyang higaan para sumamba sa Panginoon,
48at sinabi, ‘Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, niloob niya na makita ko sa araw na ito ang papalit sa akin bilang hari.’ ”
49Nang marinig ito ng mga bisita ni Adonias, tumayo silang takot na takot, at isa-isang umalis.
50Natakot din si Adonias kay Solomon, kaya pumunta siya sa toldang sambahan at humawak sa mga sungay na bahagi ng altar.