1 Mga Hari 10

bukod pa rito ang mga buwis na galing sa mga negosyante, sa lahat ng hari ng Arabia at sa mga gobernador ng Israel.

1 Kings 10:15 (UKJV) Beside that he had of the merchantmen, and of the trade of the spice merchants, and of all the kings of Arabia, and of the governors of the country.

13Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang anumang hiningi niya, bukod pa sa mga regalo na ibinigay ni Solomon sa kanya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ang mga tauhan niya.

14Taon-taon tumatanggap si Solomon ng 23 toneladang ginto,

15bukod pa rito ang mga buwis na galing sa mga negosyante, sa lahat ng hari ng Arabia at sa mga gobernador ng Israel.

16Nagpagawa si Haring Solomon ng dalawandaang malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong kilong ginto.

17Nagpagawa rin siya ng tatlong daang maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan din ng ginto na mga tatlo at kalahating kilo. Ipinalagay niya ang lahat ng ito sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.