1 Mga Hari 10

Napakapalad ng inyong mga tauhan! Napakapalad ng inyong mga opisyal na naglilingkod sa inyo dahil palagi nilang naririnig ang inyong karunungan.

1 Kings 10:8 (UKJV) Happy are your men, happy are these your servants, which stand continually before you, and that hear your wisdom.

6Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang nabalitaan ko sa aking bansa tungkol sa inyong mga gawa at karunungan.

7Hindi ako naniwala hanggang sa pumunta ako rito at nakita ko mismo. Ang totoo, wala sa kalahati ng nabalitaan ko tungkol sa inyo ang nakita ko. Ang karunungan at kayamanan nʼyo ay higit pa kaysa sa narinig ko.

8Napakapalad ng inyong mga tauhan! Napakapalad ng inyong mga opisyal na naglilingkod sa inyo dahil palagi nilang naririnig ang inyong karunungan.

9Purihin ang Panginoon na iyong Diyos, na natutuwa sa inyo at naglagay sa inyo sa trono ng Israel. Dahil sa walang katapusang pag-ibig ng Panginoon sa Israel, ginawa niya kayong hari upang mamuno kayo nang may katarungan at katuwiran.”

10Binigyan niya ang hari ng limang toneladang ginto, maraming pampalasa at mga mamahaling bato at ibaʼt ibang uri ng pabango. Hindi mapapantayan ang dami ng sangkap na ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.