1 Mga Hari 12

Sumagot ang mga kababata ni Rehoboam, “Ito ang isagot mo sa mga taong iyon na humihiling saʼyo na pagaanin mo ang mabigat na ipinapatupad ng iyong ama sa kanila: ‘Ang kalingkingan ko ay mas malaki pa sa baywang ng aking ama.

1 Kings 12:10 (UKJV) And the young men that were grown up with him spoke unto him, saying, Thus shall you speak unto this people that spoke unto you, saying, Your father made our yoke heavy, but make you it lighter unto us; thus shall you say unto them, My little finger shall be thicker than my father's loins.

8Ngunit hindi sinunod ni Rehoboam ang kanilang payo. Sa halip, nakipagkita siya sa mga kababata niyang naglilingkod sa kanya.

9Nagtanong siya sa kanila, “Ano ba ang maipapayo nʼyo na isasagot ko sa kahilingan ng mga taong iyon? Humihiling sila sa akin na pagaanin ko ang mabigat na mga ipinapatupad ng aking ama sa kanila.”

10Sumagot ang mga kababata ni Rehoboam, “Ito ang isagot mo sa mga taong iyon na humihiling saʼyo na pagaanin mo ang mabigat na ipinapatupad ng iyong ama sa kanila: ‘Ang kalingkingan ko ay mas malaki pa sa baywang ng aking ama.

11Mabigat nga ang pasaning ipinatupad ng aking ama sa inyo, ngunit mas mabigat pa ang ipapatupad ko. Kung pinalo niya kayo ng latigo, alakdan ang ipapalo ko sa inyo.’ ”

12Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao kay Rehoboam, ayon din sa sinabi ng hari sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.