1 Mga Hari 12

Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat nooʼy nakatira pa siya sa Ehipto, kung saan siya pumunta noong tinakasan niya si Haring Solomon.)

1 Kings 12:2 (UKJV) And it came to pass, when Jeroboam the son of Nebat, who was yet in Egypt, heard of it, (for he was fled from the presence of king Solomon, and Jeroboam dwelt in Egypt;)

1Pumunta si Rehoboam sa Shekem, kung saan nagtipon ang buong Israel upang hirangin siyang hari.

2Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat nooʼy nakatira pa siya sa Ehipto, kung saan siya pumunta noong tinakasan niya si Haring Solomon.)

3Ipinatawag ng buong Israel si Jeroboam at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi,

4“Mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Ngunit kung pagagaanin nʼyo ito, paglilingkuran namin kayo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.