1 Mga Hari 19

Sumagot siya, “O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, tapat po akong naglilingkod sa inyo, pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natitira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.”

1 Kings 19:14 (UKJV) And he said, I have been very jealous for the LORD God of hosts: because the children of Israel have forsaken your covenant, thrown down yours altars, and slain your prophets with the sword; and I, even I only, am left; and they seek my life, to take it away.

12Pagkatapos ng lindol, may apoy na dumating, ngunit wala pa rin ang Panginoon sa apoy. Pagkatapos ng apoy, may narinig siyang tinig na parang bulong.

13Nang marinig ito ni Elias, nagtakip siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang balabal, lumabas siya at tumayo sa bungad ng kuweba. Biglang may tinig na nagsabi sa kanya, “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”

14Sumagot siya, “O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, tapat po akong naglilingkod sa inyo, pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natitira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.”

15Nagsalita ang Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa iyong dinaanan, at pumunta sa ilang ng Damasco. Pagdating mo roon, pahiran mo ng langis si Hazael bilang hari ng Aram.

16Pahiran mo rin si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat, na taga-Abel-mehola, upang pumalit sa iyo bilang propeta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.