6Pagdilat niya, may nakita siyang tinapay sa ulunan niya, na niluto sa mainit na bato, at tubig na nakalagay sa sisidlan. Kumain siya at uminom, at nahigang muli.
7Bumalik ang anghel ng Panginoon, kinalabit si Elias at sinabi, “Bumangon ka at kumain, dahil malayo pa ang iyong lalakbayin.”
8Kaya bumangon si Elias, kumain, at uminom. Pinalakas siya ng kanyang kinain, at naglakbay siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, hanggang makarating siya sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
9Pumasok siya sa isang kuweba at doon nagpalipas ng gabi. Ngayon, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ano ang ginagawa mo rito Elias?”
10Sumagot siya, “O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, tapat po akong naglilingkod sa inyo. Ngunit tinalikuran ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.”