39Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Ahab, at ang lahat ng ginawa niya, pati ang pagpapatayo niya ng magandang palasyo, at pagpapatibay ng mga lungsod ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
40Nang mamatay si Ahab, ang anak niyang si Ahazias ang pumalit sa kanya bilang hari.
41Naging hari ng Juda si Jehoshafat na anak ni Asa noong ikaapat na taon ng paghahari ni Ahab sa Israel.
42Si Jehoshafat ay tatlumpuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.
43Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.