1 Mga Hari 3

ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungang kapantay at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon.

1 Kings 3:12 (UKJV) Behold, I have done according to your words: lo, I have given you a wise and an understanding heart; so that there was none like you before you, neither after you shall any arise like unto you.

10Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon.

11Kaya sinabi ng Diyos sa kanya, “Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway,

12ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungang kapantay at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon.

13Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan upang walang hari na makapantay saʼyo sa buong buhay mo.

14At kung susunod ka sa aking mga pamamaraan at tutupad sa aking mga tuntunin at mga utos, katulad ng ginawa ng iyong ama na si David, bibigyan kita ng mahabang buhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.